By A Web Design Company

May nakikitang solusyon ang Philracom

  • PDF

Source: Balita

Inihayag kahapon ng Philippine Racing Commission (Philracom) na nais nilang solusyonan ang seryosong problemang kanilang kanilang kinakaharap katulong ang mga namumuhunang horse owner sa industriya ng karera sa bansa.

Ang pag-aangkat ng mga kabayong pangarera mula sa ibang bansa ang isa sa nakikitang solusyon dahil sa ngayon ay kinakapos na ang mga kabayong pangarera sa bansa.

Sinabi ni Philracom Chairman Angel Castaño Jr. na patuloy ang kanyang pakikipag-ugnayan sa sector ng mga horse owner at iba pa sa industirya ng kabayo kung saan ay pinag-aaralan nila ang mga programang makatutulong sa hanay ng mga namumuhunan.

Kamakailan ay nagpahayag ng pangamba ang komisyon dahil sa kawalan ng malaking bilang ng mga kabayong pangarera matapos ang pagkakapilay ng mga ito dahil sa sama ng pista ng karerahan.

Batay sa record, mahigit lamang 500 kabayo ang tumatakbo sa nakatalang 1,700 mananakbong kabayo.

Tiniyak naman ng komisyon na isang malaking programa ang kanilang ilulunsad para sa kapakinabangan ng mga horse owner upang sa gayun ay mapangalagaan ang interes ng industriya.

Ang horse racing sa bansa ang isa sa pinagkukunan  ng buwis ng gobyerno.

Patuloy din ang kanilang isinagawang pagkumbida sa mga gustong mamuhunan sa industirya ng kabayo at katunayan umano ay may mga dating horse owners na nag-alisan ang ngayon ay bumabalik dahil sa kumpiyansa nila sa pamunuan ng Philracom.