By A Web Design Company

Sabak uli si Juggling Act

  • PDF

Source: Sunday Tonite

Muli na namang sasabak sa laban si Juggling Act upang pabulaanan na malapit na itong dalhin sa stud farm.

Isa ito sa walong kasaling kabayo sa 2012 Philracom Diamond I Stakes na magsisilbing ikatlong leg ng Imported-Local Challenge Series sa Abril 1 sa San Lazaro Leisure & Business Park.

Magdadala si Juggling Act ng pinakamabigat na pesong 56 kilos at ang iba pang mga nominated entries dito ay kinabibilanga naman nina Botbo, Dona Nenita, Indy hay, Lady Pegasus, Next Big Thing, Rain Shower at Twenty Two Carat.

May kabuuang  P500,000 ang inihanda ng Philippine Racing Commission sa karerang ito na paglalabanan sa distansiyang 1,750 meters. Ang magkakampwon ay tatangap ng first prize na P300,000.

Nasa kanyang  ikatlong stable na si Juggling Act matapos itong mabili ni Herminio Esguerra kay Atty. Narciso Morales.

Sinasabing seven figures daw ang pagkakabili dito ng bagong may-ari at gagawin na raw itong ganador. Subalit nakitaan pa rin daw ng buti ang kabayo kung kaya't nagpatuloy pa ang ensayo nito sa kanyang bagong kuwadra sa Carmona, Cavite.

Si Juggling Act ay nabili ni dating Batangas Gov. Armand Sanchez kapanabay si Gentle Irony sa isang negotiated sale sa Magic Millions sa Gold Coast, Australia. Mas mahal umano si Juggling Act habang halos kalahati lamang daw ang halaga ni Gentle Irony.

Ang dalawang kabayong ito'y nabili ng sheikh ng Dubai sa multi-milyong halaga bilang mga yearlings, subalit nagpasya ang mga trainers nito na ibenta na lang matapos ang hindi magandang performance bilang mga 2-year-olds.

Mataas ang mga lahi ng dalawang ito kaya naman hinabol ito ng mga horsebreeders.

Si Juggling Act ay mula sa matinding sire na si Giant's Causeway sa inahing si Picadilly Circus habang si Gentle Irony naman ay mula kay Exceed And Excel sa inahing si Gentle Call.