By A Web Design Company

Philracom Anniversary

  • PDF

Source: Bandera

Happy anniversary in advance sa Philippine Racing Commission!

Itinatag ang Komisyon noong 20 Marso 1974, sa pamamagitan ng pagpasa sa Kongreso ng Presidential Decree No. 420, upang gampanan ang katungkulan na i-supervise at i-regulate ang sport ng horseracing.

Bago noon, ang sport ay nasa ilalim ng Games and Amusement Board, na sa kasalukuyan ay ka-partner pa rin industriya bilang taga-monitor ng betting aspect ng karera.

Malugod ng pagbati kay Philracom Chairman Angel L. Castaño Jr. at kina commissioners Engr. Jess Cantos (na siya ring executive director), Atty. Victor Tantoco, Dr. Reynaldo Fernando, Atty. Franco Loyola at dating hinete Lyndon Noel Guce.

Sa ilalim ng kanilang administrasyon, pinupursige nila ang estriktong monitoring ng karera, hindi lang pagdating sa race conduct, kundi pati na rin sa racetrack conditions and facilities.

Itinaguyod din nila ang linguhang multi-sectoral meeting sa kanilang tanggapan na bukas sa lahat ng mga taga-industriya upang maghain ng kanilang mga kuru-kuro, suhestiyon, reklamo at iba pa.

Ang weekly meeting na ito ay appreciated ng lahat ng sectors dahil naririnig ang boses ng lahat ng stakeholders sa karera.

Binabati rin ng Metropolitan Association of Race Horse Owners ang Philracom ng happy anniversary!

Samantala ang mga darating na Philracom-sponsored stakes races ay sa Abril pa, lahat sa San Lazaro Leisure Park.

Abril 1; Diamond I Stakes 3rd Leg Import/Local Challenge series, 1,750 meters; Abr. 14 Diamond II Stakes for 3YO local fillies, 1,600 meters; at Abr. 15: Diamond III Stakes for 3YO local colts 1,600 meters.

Abangan ang mga lineup nito sa mga darating na panahon, lalo ang Diamond II at III na tuneup races para sa mga lalahok sa seryeng Triple Crown. Ang unang kabanata nito ay Mayo 20 sa Santa Ana Park sa distansiyang milya.

Samantala, ayos na ang racing calendar ng Philippine Charity Sweepstakes Office. Ang kanilang susunod na pakarera ay sa Abril din at paalala lang sa mga kinauukulan, ang nominasyon nito ay sa Marso 20 sa PCSO Draw & Races department.

Karera lang - walang personalan!