By A Web Design Company

Summer Stakes Weekend

  • PDF

Source: Bandera

Kasing init din ng summer and pasisiklabing aksiyon  sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayon at bukas sa pagtakbo ng dalawang Philippine Racing Commission stakes races.

Ngayong araw ang Commissioner's Cup bilang parangal sa dating Philracom commissioner na si Eduardo Galang.

Ang distansiya ay 1,900 meters, mahirap na challenge para sa pitong kalahok na older horses.

Idineklara and coupled entries ni Atty Sixto Esquivias IV na sina Arvindugo (gagabayan ni jodkey Rodeo Fernandez na magdadala ng 54 kgs) at cheese Mosa (Jonathan Hernandez, 52 kgs); Barkley ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos (Kelvin Abobo, 54); Heaven Sent ni Rita Pilapil (Mark Alvarez, 54); Raon ni Herminio Esguerra (Jesse Guce 54); Tensile Strength ni Felizardo Sevilla Jr. (Jeffril Zarate, 54) at Yes Pogi ni Francis G. Lim (Daniel Camañero, 55)

Bagamat idolo ng pista sina Yes Pogi at Barkley, dumadaan sila sa panahon ng alat ngayon. Noong kanilang huling stakes race, ang Philiipine Charity Sweepstakes Office Freedom Cup noong Pebrero 26 sa Santa Ana Park din, tinalo sila ni Arvindugo na nanalo ng 3.5 kabayo ang layo sa sumegundong The Rock. Tersero lang si Barkley at wala sa placers si Yes Pogi.

Bukas naman itatanghal ang Chairman's Cup, ang honoree ay si immediate past Philracom chairmand at ngayon ay PCSO general manager Atty. Jose Ferdinand M. Rojas, II

Ang milyang karera ay sinalihan ng mga 3-year-olds na local bred. Bahagi ang karerang ito ng seryeng "Road to the Triple Crown" at dito nating makikitang mag tune-up ang mga posibleng contender sa prestihiyosong Triple Crown trilogy at Hopeful Stakes.

Kasali sa Chairman's Cup ang mga sumusunod na colts na lahat ay magdadala ng 54 kgs: Hagdang Bato, ni Mayor Abalos, (jockey Hernandez0 coupled entries ni Mayor Sandy Javier na sina Ikel (Antonio Alcasid jr. at Patron (John Paul Guce); Golden empire ni Lamberto Almeda Jr. (Karvin Malapira); Isa Pa Isa Pa ni Kenneth Causon, (Abobo); coupled entries ni Mr. Esguerra na sina Mr. Tatler (Fernando Raquel Jr.) at Purple Ribbon (Jesse Guce); at Yes Yes Yes ni Francis G. Lim's (Zarate).

Si Ikel ay galing sa panalo with the same rider, sa Philracom Amethyst III sa San Lazaro Leisure Park noong Pebrero 19, Maigi ring lagyan sina Hagdang Bato at ang Esguerra entries.

Ang buong buawan ng Marso ay Philracom Racing Festival. Tiyak na mainit ang iba pang mga karera rito.

Last Updated on Monday, 12 March 2012 13:38