By A Web Design Company

Malaki ang tiwala

  • PDF

Source: Abante Tonite

Nagpapasalamat tayo sa Panginoon sa napakagandang experience na ibinigay niya sa atin sa araw-araw, lalu-lalo na kahapon.

Ika-51 tag-araw na ngayon sa ating buhay at tayo'y nagpapasalamat sa walang-katapusang biyayang ating natatanggap.

Nagpapasalamat din po ako sa lahat ng tao na nagbibigay sa atin ng lakas upang suungin ang lahat ng suliranin sa ating buhay. Sa lahat ng mga tumawag sa atin o kaya'y nag-email at nag-text, maraming salamat po sa inyong lahat!!!

***

Labing-anim na taon na pala itong si Kangoo (FAir King-Itching, by Thatching) na nabili ni POC president Peping Cojuangco sa Australia at ngayo'y pag-aari na ni Com. Jun Sevilla, Anak si FAir King ni Northern Dancer sa inahing Fairy Bridge (by Bold Reason).

"Sa Hacienda Luisita siya dati inilagay ni Cong. Peping pero nabili ko nu'ng nag-divest na siya sa karera at inilagay ito sa JRS Farm ko sa Bo. San Pioquinto, Malvar, Batangas. Talagang maramin na ngayong nagkakainteres sa kanya. Noong nakaraang taon ay 20 inahin lang ang naserbisyuhan nito at karamihan nga ay mga inahin ko na rin. Ngayon, marami na ang nakapila. Pero nilagyan ko na ng maximum na 50 inahin na lang. Magpapadala raw ng apat na inahin si Cong. Bagatsing, pati na sina Mayor Abalos, Cong. Lapus, Joseph Dyhengco, Tata Ochie at si Putch Puyat" ang sabi ni Com. Jun.

Dalawang kabayo ni Com. Jun na palahi rin niya at sired din ni Kangoo ang nagpanalo kamakailan lang -- sina Penrith (na nanalo ng 8 lenghts sa maiden race nito at naorasan gn 1:30 sa 1,400 meters), at si Karrie (Kangoo-Burst of Fire).

"Malaki ang tiwala kong magiging isang mabuting kabayo itong si Penrith sa sususnod niyang mga laban. Full brother ito ni Prime Rate (Kangoo-Triplicate). Malaki ang paniwala ko sa kabayong ito. Meron speed at stamina, walang masamang workout sa pista at mahaba talaga ang hininga" dagdag pa ni Com Jun noong magkita kami sa Makati noong Martes.

***

Abangan na raw ang ganap pagbabalik ng mga matitinding contenders para sa darating na Triple Crown Series na mgasisimula ngayong Mayo.

Ngayong Linggo pa lang ay makikita na natin ang pinakamalaking prep race sa lahat -- ang 2012 Philracom Chairman's Cup

Sadyang maraming mga bagong 3-year-olds ang nagpapakitang-gilas sa pista ngayon at inaasahang sasabak sa malalaki pang mga prep race para matignan ng kanilang mga connections kung puwede nga bang sumali sa malaking serye. Good luck sa inyong lahat!