By A Web Design Company

Balik sa normal ang karera

  • PDF

BALITA - March 7, 2012

Dahil sa malinaw at may direksyon na ang mga programang ginagawa ng Philippine Racing Commission (Philracom), "back to normal" na ang karera sa pagbabalik ng anim na araw napakarera sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at Santa Ana Park sa Naic, Cavite. Sa mahigpit at malinaw na pagpapatupad sa mga reglamento sa horse racing, bumalik ang normal na operasyon ng karera sa dalawang pangunahing karerahan sa bansa. Ito ay napatunayan at nakikita sa mga natutunghayan sa programa ng komisyon. Nawala na rin ang "one-sided" matapos na kakaunti na lamang ang mga lumalahok sa karera, partikular na sa Santa Ana Park. Ang dating apat hanggang anim na kalahok sa karera ay lubhang naalis na dahil dumami ang sumasali matapos ang ginawang paglilinis ng komisyon sa loob ng handicapping at Board of Steward.

Katunayan, sa walong karerang bibitawan ngayong araw sa bakuran ng Philippine Racing Club, Inc. (PRCI), pito dito ang may maraming kalahok at maituturing na may panalo ang lahat dahil sa balensiayadong handicapping. Sa race 1, siyam na kalahok ang maglalaban sa hanay ng 3-Year-Old at pinapaboran ang Damong Ligaw. Sa race 2 naman, umabot sa 11 kalahok ang magtatagisan ng lakas at sa Class Division 1 event habang sa race 3 ay may siyam ang maglalaban. Ang dalawang magkasunod na karera ay lubhang mahirap dahil ang lahat ng kalahok ay may malaking panalo. Sa race 4, may pitong kalahok na pawang 3-Year-0ld runners, samantalang may anim lamang sa Class Division 1C. May 9 na kabayo ang maglalaban sa race 6 para naman sa Class Division 6 at sa race 7 mula naman sa Class Division 1B.

Umabot naman sa 14 na kalahok ang magtatagpo sa Class Division 4 na kapapalooban ng Super Six event. Patunay lamang ito na bumalik din ang kumpiyansa ng mga horse owner sa tunay na matuwid na landas ng karera sa bansa.

Last Updated on Wednesday, 07 March 2012 12:33