By A Web Design Company

Patron, Golden Empire, magbibigay ng magandang laban sa Chairman's Cup

  • PDF

Source: Balita

Habang papalapit ang pag-alagwa ng pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom), ang 2012 Chairman's Cup sa Marso 11, 2012, sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite, ay lalong nagbibigay ng pananabik sa publikong karerista.

May kani-kanya silang forecast sa Chairman's Cup, habang ang iba naman ay nagsasabing mahirap tibagin ang Hagdang Bato.

Sa mga kalahok, dalawang mananakbo ang binibigyan nila ng malaking laban; Ang Patron ni Sandy Javier at ang golden Empire ni Jun Almeda.

Magbibigay ng magandang laban ang Patron at golden Empire, na parehong may magagandang record.

masusubukan din ang husay ng Hagdang Bato, Patron at Golden Empire sa iban pang kalahok na Ikel; Isa Pa, Isa Pa; couple entry na Mr. Tatler at Purple Ribbon; Steel Creation, at Yes, Yes, Yes, na maglalaban-laban sa distansiyang 1,600 metro.

Hindi rin matatawaran ang labanang mangyayari sa Commissioner's Cup sa Sabado, sa nasabing karerahan.

Mahigpit na maglalaban-laban ang mga kampeon na Tensile Strength, Yes Pogi, Arvin Dugo, Cheese Mosa, Barkley, Heaven Sent, at Raon para sa distansiyang 1,900 metro.

Nakatutok naman ang racing fan sa laban ng limang unang nabanggit na kalahok, at inaasahang papaboran ang Freedom Cup champion na si Arvin Dugo laban sa mga suki nitong Yes Pogi, Barkley, Heaven Sent at Cheese Mosa.

Tanging ang Tensile Strength ang hindi pa nakakalaban ng Yes Pogi, na galing sa bakasyon matapos mabigo sa Presidential Gold Cup, at sa Sabado, muling matutungahayan and 2012 Triple Crown Champion laban sa mga naturang kalahok.

Abangan kung sino ang tatanghaling tunay na kampeon!

Last Updated on Tuesday, 06 March 2012 09:45