By A Web Design Company

Philracom umaksiyon na

  • PDF

Source:  Taliba

Personal na pinamahalaan ni Philracom Chairman Angel Castano ang pagsasaayos sa industriya ng karera sa bansa sa pagbuo ng isang  lupon na kinabibilangan ng ilang tauhan ng ahensiya na mapagkakatiwalaan at may lubos na kaalaman sa mga batas at alituntunin ng karera sa bansa.

Ang magiging trabaho ng naturang lupon ay ang repasuhin ang lahat ng ' video tapes' ng mga karera araw-araw upang masala at makita ang mga paglabag ng ilang tiwaling hinete na nakalusot sa mga mata ng Board of Racing Stewards at mabigyan ng karampatang parusa ang mga ito.

Maraming hinete na ang nalambat at naparusahan ng naturang lupon upang tumihimik ang ilang hineteng nakakalusot pa sa kanilang masamang pagsakay sa araw ng karera.

Maganda ang pagbuo ng lupong ito na hindi lamang para sa pagsasaayos ng karera sa bansa kundi maging sa ilang tauhan ng Philracom na patuloy na walang sinasayang na oras sa pagtatrabaho para sa industriya ng karerang kanilang simumpaang tapat na paglilingkuran.

At hindi na hinintay pa ng Philracom na magkaroon ng pormal na reklamo bago umaksyon.

***

Tinupad ni Philracom Chairman Castano ang pangakong imbestigasyon hinggil sa nangyaring "false start" na nagresulta sa kanselasyon ng ika-3 karera noong nakaraang Miyerkules (Pebrero 15) sa San Lazaro Leisure Park.

Nagkaroon ng hearing sa nasabing insidente na ginanap noong Pebrero 16 at Pebrero 17 kung saan natukoy ng Philracom ang mga sumusunod: (1) Ang hindi maayos na paghahanda sa aparatong kailangan sa oras ng karera, (2) Mahina ang tunog ng sirenang ginagamit kapag nagkakaroon ng 'false start' na hindi narinig ng mga hineteng kasali sa ika-3 karera. Board of Racing Stewards at maging ng mga mananayang nakapanood ng naturang karera, (3) ang 'revolving red lights' na nagbabala ng 'false start' ay hindi gumana, (4) madalas na pumapalya ang starting  button ng 'starting gate', (5) ang 'two-way radios' sa pagitan gn starter at Board of Racing  Stewards ay  nagkaroon ng diperensiay upang walang maging malinaw ng ugnayan ng bawat isa at ang 'revolving red light' na nasa 'starting gate' ay hindi rin gumana para bigyan ng babala ang Board of Stewards na mag nangyayaring 'false start'.

Dahilang ito upang pagmultahin ng P50,000 ang San Lazaro Leisure and Business Park sa hindi pagsunod sa Rules and Regulations on Horse Racing and its franchise under RA no. 8407.

Ang opisyal na resolution na pinagbasehan ng nasa itaas na ulat ay kaagad ng  ipinadala sa San Lazaro Leisure and Business Park.

***

Nakalinyang bitawan ang 11 karerang Manila Horse-power Organization Races at isang Philracom Handicap Race ngayong Linggo sa karerahan ng Carmona, Cavite.