By A Web Design Company

Matinding prep race

  • PDF

Source: Sunday Tonite

Sentro ng atensyon ngayon ang gaganaping 2012 PHilracom Chairman's Cup na gaganapin sa Marso 11 sa Santa Ana Park.

Bukod kasi sa tumataginting na papremyong P2.07 million, nasa listahan ng mga kalahok ang mga inaasahang magiging mahigpit na contenders sa gaganaping Triple Crown Series.

Pulos mga 3-year-olds ang kasali sa karerang ito na paglalabanan sa distansyang 1,600 meters na kinabibilangan nina: Hagdang Bato, Ikel, Golden Empire, Isa Pa Isa Pa, Mr. Tatler, Patron Purple Ribbon at Yes Yes Yes.

Matindi ang line-up na ito dahil na rin sa mabigat na papremyong nakahanda mula sa sponsor na Philippine Racing Commission.

Ito ang pinakamalaking prep race sa mga nasabing 3-year-olds na nagpreprepara sa nasabing Triple Crown Series na magsisimula sa Mayo.

Ang first prize rito ay P1.2 milyon, malaking halaga na magpapasiguro sa magkakampeon dito na magiging kasama na sila sa tatlong legs ng naturang serye para sa mga 3-year-olds sa bansa.

Kinakailangan kasing makakuha ng malaking papremyo para masigurong makapapasok ang isang kabayo sa listahan sakaling may mahigit 14 na kabayo ang nagpalista sa bawat leg.

Ang mangunguna rito'y mag-uuwi ng P450,000 habang ang sesegundo at tersero nama'y bibigyan ng P250,000 at P100,000 ayon sa pagkakasunod. ang breeder ng kampeong kabayo'y may bonus namang P70,000.

Siguradong paparada bilang paborito si Hagdang Bato sa karerang ito. Ito kasi ang nagkampeon sa Philracom Juvenile Championship noong nakaraang Disyembre at isa sa mga tinatayang magpapakita ng gials sa darating sa serye.

May kalakasan din naman ang line-up ng kanyang mga makakalaban subalit marami ang naniniwalang taglay pa nito ang lakas na ipinakita niya noong nakaraang taon.

Hindi rin maiiwasan ang upset sa karerang ito dahil lahat ng mga nakalistang kalahok ay handa na rin namang sumabak sa matitinding laban bilang kanilang preparasyon para sa naturang serye.

Para sa mga puwedeng maka-upset dito, isang matinding pagsubok ang karerang ito para sa kanilang preparasyon para sa mas matinding karera na kanilang hinahangad na masilo at mapanalunan.