By A Web Design Company

Jockey Pescuiso, dumating sa bansa

  • PDF

Source: Balita

Matapos ang pamamayagpag bilang hinete sa Macao, dumating na sa bansa ang bagong hinete na tiyak na hahangaan sa dalawang pangunahing karerahan sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona at Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ayon kay Philippine Racing Commission (Philracom) Commissioner Jesus Cantos, matutungahayan na ng mga karerista si jockey Jonie Pescuisom na nagpakitang gilas sa Macao matapos na magtala ng 37 mga panalo.

Tiyak na susubaybayan ng mga karerista si Pescuiso na kasalukuyan nang penoproseso ang lisensiya upang pormal na makasakay sa regular na karera sa bansa.

Si jockey Pescuiso ay produkto ng 2006 Philippine Jockey School na unang nakipagsapalaran sa ibang bansa matapos makuha ang diploma nito bilang hinete at magtungo sa Macao.

Kaya naniniwala ang racing fans na magiging kapana-panabik ang magiging labanan sa hanay ng mga hinete.

Sa ilalim ng pamunuan ni Philracom Chairman Angel Castaño, may 12 bagong namumuhunan ang pumasok sa industriya ng karera sa bansa.

Ang mga horse owner ay dati nang naging bahagi sa dalawang pangunahing karerahan at ngayon ay muling nagbabalikan na gaya ni Atty. Carandang ng Bureau of Customs.

Higit na nagbigay ng kasiyahan sa Philracom ang pagpasok ni Jun Juban, ang co-producer ng "The Bourned Legacy".

Magiging mahigpit na umano ang kompetisyon ng mga pangarerang kabayo, partikular na doon sa mga matataas ng grupo, dahil sa ilalaang karera ng komisyon kasabay ng pagbibigay ng karagdagang insentibo sa mga nagwawaging kabayo.