By A Web Design Company

Chairman's Cup, tune-up race para sa Triple Crown Championship

  • PDF

BALITA - Feb. 28, 2012

Itinuturing na isang tune up race para sa 3 year old colt runner na kabilang sa mga kandidato para sa Triple Crown Championship ang gaganapin na 2012 Philracom Chairman's Cup sa Marso 11.

Ang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang magbibigay daan para sa ibang kalahok na mapaghandaan ang higit na malaking pakarera ang 2012 Triple Crown Championship.

Siyam na kalahok ang maglalaban-laban sa Marso 11 araw ng Linggo sa distansiyang 1,600 meters. Na pangungunahan ng Hagdang Bato; Ikel at couple entry na Patron; Golden Empire; Isa Pa. Isa Pa; Mr.Tatler at couple entry na Purple Ribbon;Steel Creation at Yes Yes Yes.

Aabot sa P1.2 milyon na premyong ang naghihintay sa tatanghaling kampeon sa Chairman's Cup at P70,000 sa horse breeder.

Malaking premyo naman ang nakukuha ng 2nd placer na may P450,000 at P250,000 3rd placer habang P100,000 sa 4th placer.

Bago ang Chairman's Cup unang matutunghayan sa Marso 10 araw ng Sabado ang 2012 Commissioner Cup na paglalabanan ng mga matatandang local na pangarerang kabayo na Arvin Dugo at couple entry na Cheese Mosa, Barkley,Heaven Sent, Raon, Tensile Strength at Yes Pogi.

May nakalaang papremyong P1.2 milyon para sa 1,900 meters na karera.

Tatanggap ng trophy at P720,000 ang tatanghaling kampeon habang P270,000 naman ang papangalawa sa puwesto at P150,000 sa 3rdplacer samantalang P60,000 naman sa 4th.placer.

Last Updated on Tuesday, 28 February 2012 14:03