By A Web Design Company

12 well-handicapped races sa Santa Ana Park

  • PDF

Source: Taliba

Pawang 'balikatan' ang 12 karerang nakalinyang bitawan ngayong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic Cavite.

Sa unang malas ng programa ay tila magaan na makakaraos ang maagang minamalaking mga kabayo.

Subalit kung pag-aaralang mabuti ay may ilang dehadong kabayo ang maaring makagawa ng 'upset' at makapagbigay ng magandang pakinabang sa papalaring apisyonado ng karera.

Kaya 'bayang karerista' ating muling pag-aralan ang programa ng 12 karera sa maghapon; lahat ng 8 kalahok sa unang karera ay may panalo; nararapat nang magwagi ang Blusher (5) sa ika-2 karera at bantayan ang ikinikilos ng Rendezvous, Ik Hou Van Jou at Camorra sa larangan ng pustahan; ang Royal Heiress (1) para naman sa ika-3 karera; Durango, Dugo's Sprite at Tabako para naman sa ika-4 na karera; King Rick (6) sa ika -5 karera; huwag kalimutan ang May Dating, maganda ang nakaraang panalo ng I am Strong (12) kaya puwedeng solohin sa ika-6 na karera; Foreign Minister (4) naman sa ika 7 karera; ang Bahala Na at Kaligatan ay parehas ang laban sa lahat ng 7 kalahok sa ika-8 karera; ang Princess Angelica (6) ang magandang subaybayan sa ika-9 na karera; puwede pang manalo ang Laon Laan(7) sa ika-10 karera at baka makabulaga ang Pot Pot;s Love, magaan ang grupo para sa Yonamizmo sa ika-11 karera; at nasa tamang distansiya ang Newsmaker (11) sa huling karera, gayundin ang Salinas Hot Gossip at Terrible Marvin.

***

Ating hintayin 'bayang karerista' ang kahihinatnan ng imbestigasyon ng Philracom hinggil sa naganap na 'false-start' sa ika-3 karera noong nakaraang Miyerkules (Pebrero 15) sa San Lazaro Leisure Park.

Magandang basehan ang naturang kaso sa ipinangakong pagsasaayos ng karera ng Philracom.

Marami pa umanong magagandang ideya ang naturang ahensiya na nakatakdang isagawa tungo sa ikauunlad at pagsasamoderno ng dalawang karerahan sa bansa.

***

Ayon sa ulat ay patuloy pa ang paggawa ng ikatlong karerahan sa bansa.

Wala pang pormal na pasabi ang naturang karerahan kung kailan sila opisyal na magdaraos ng karera.

Mas maganda kung magbubukas na sila dahil tulad ng kasabihan "the more the merrier".

 

Last Updated on Tuesday, 28 February 2012 14:03