By A Web Design Company

Bakbakang umaatikabo sa Freedom Cup

  • PDF

Source: Sunday Tonite

Walang tulak-kabigin ang mga karerista sa kung sino ang pipiliin nilang mananalo para sa 201 Freedom Cup na gaganapin ngayong hapon sa Santa Ana Park.

Napakaganda kasi ng lineup ng 10 maglalaban para sa kabuuang papremyong P515,000 kukng saan ang makakampion ay magp-uuwi ng pangunang premyong P300,000.

Ang mga kalahok ay kinabibilangan nina: Arvin Dugo - Jonathan Hernandez 54.5; Cheese Mosa - Deo Fernandez 53; Go Army - Jesse Guce 55.5; Wind Tubulance - Jordan Cordova 55.5; Money Queen - Dominador Borbe Jr. 54; Heaven Sent - Mark Alvarez, 56; Joshua's Laughter - Arvin Guce 56; Barkley - Kelvin Abobo 54.5; Yes Pogi - Jeffril Zarate 55; at The Rock - Pati Delima 54.5.

Dahil na rin sa dismayadong performance ni Yes Pogi sa nakaraang Amethyst I STakes noong Pebrero 1 , maraming karerista ang tumitingin ngayon sa iba pang mga contenders na pulos mga stakes champions at campaigners.

Pumang-apat lang si Yes Pogi sa maturang karera kung saan pulos mga imported runners ang kanyang nakalaban at pananalunan ni Dona Nenita.

Pulos mga Triple Crown Series contenders sina Arvindugo, Cheese Mosa, Wind Turbulence, Barkley at The Rock.

Ang mga dati namang kampeong sina Go Army at Heaven Sent ay puwede ring gumawa ng sopresa sa karerang ito na paglalabanan sa distansyang 1,600 meters.

Tiyak na magkakaroon ng maagang hagaran sa unahan dahil narito ang dating sprint champion na si Heaven Sent.

Kinakailangan kasing habulin kaagad ito ng maaga dahil ang distansya'y hindi masyadong mahaba. Kailangan ding agahan ng mga nasa likuran ang kanilang paggalaw para naman hindi maiwanan ng husto.

Ang sesegundo rito'y tatanggap ng P112,500 habang tersero't quarto nama'y bibigyan ng P62,000 at P25,000, ayon sa pagkakasunod. Meron ding bonus ang breeder ng magkakampeong kabayo na P15,000

Ilan sa mga pamosong kabayong nanaig sa Freedom cup ay kinabibilangan nina Time Master noong 1987, Rhummaker noong 1988, Cavalcade noong 1989, Sun Dancer noong 1990, Grand party noong 1991 at May five noong 1992

Last Updated on Monday, 27 February 2012 10:53