By A Web Design Company

P.7M nakalaan sa tatanghaling kampeon sa Freedom Cup sa SAP

  • PDF

Source: Balita

Paglalabanan ng siyam na lokal na kalahok ang premyong P.7 milyon para sa nakatakdang 2012 PCSO Freedom Cup sa darating na Pebrero 25 sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang karera ay sasabakan ng mga panngunahing kalahok na couple entry na Arvin Dugo at Cheese Mosa, Go Army, Wind Turbulence, Money Queen, couple entry na Heaven Sent at Joshua's laughter, Barkley, Yes Pogi at The Rock.

Bukod sa P.7 milyong premyo tatanggap din ng tropeo at tatanghaling kampeon kung saan ay raragasa sila sa 1,600 meters na distansiya.

Naghihintay naman ang P300,000 premyo para sa ikalawang puwesto, tatanggap ng P175,000 ang third placer habang P85,000 naman sa 4th placer.

Sa pagtaya ng mga miron, walang itulak-kabigin sa mga kalahok at sinasabing posibleng gumawa ng himala ang Heaven Sent.

Ang "Bayang Karerista' ay lubhang nakatutok sa couple entry na Cheese Mosa at Arvin Dugo at Yes Pogi.

Binibigyan din ng malaking laban ang de-remateng Barkley ni Mandaluyong Mayor Benhur Abalos.

Pagkakalooban naman ng PCSO ng P50,000 ang horse breeder sa tatanghaling kampeon.

@@@@

Bukod sa Freedom Cup, aabangan din ng publikong karerista ang nalalapit na pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang Commissioner's Cup at 2012 Chairman's Cup sa Marso sa nabanggit din na karerahan.