By A Web Design Company

Philtobo Horse Show

  • PDF

Source: Bandera, Feb. 18, 2012

Ilang dekada na ring naging seryosong activity ang thoroughbred breeding sa bansa. Mula late '60s o early '70s  pa nang nagangkat ang ilang mga Horseowners ng bloodstock mula sa ibang bansa upang magkaroon ng magagandang lahi, o mola, na panakbo, na mas malaki at magaling keasa sa mga natibong kabayo na siyang ginagamit noong araw.

Umusbong naman ang breeding industry sa bansa, kahit iilan lamang ang mga  serious breeders, na halos lahat ay racehorse owners din, bagamat ginagamit ang Thoroughbreds hindi lang sa pista kundi pati sa riding, equestrian, polo at iba pang equine sports.

Karamihan ng throughbred breeding ranches ay nasa Lipa, Batangas at karatig-lugar. Karaniwang binebenta ang kanilang produce sa pamamagitan ng private sale o sa horse show. Dahil kakaunti lamang ang mga horse breeders sa bansa limitado ang kanilang paninda.ang kadalasang gawi kasi ay pupunuin muna ng breeders/owner ang kanyang kuwadra sa pista, bago ibenta ang natira- walang malakihang auction dito tulad sa ibang bansang nangangarera.

Nagkaroon din ng mangilan-ngilang horse show at sa katunayan may isang gaganapin sa Pebrero 20 sa Jode Bros. Farm sa San Pablo City, Laguna.

Ito ay ang kauna-unahang to-year-old auction ng Philippine Throughbred Owners and Breeders Organization at tiyak na maraming dadalo rito na personalidad mula sa karera.

Magandang kaganapan ito. Ang horse breeding ay gumagawa ng trabaho, nagko-contribute sa agricultural development at nag-dudulot pa ng ibeng economic at social benefits na nakakatulong sa pag-unlad ng bansa.

Sana lalo pang lumago ang industriya ng breeding sa bansa. Malay natin, balang araw ay makaka-export na tayo sa ibang bansa ng mga Thoroughbreds.

Karera lang - walng personalan!