By A Web Design Company

Buhay at masigla ang karera

  • PDF

Source: Balita, Feb. 18, 2012

Buhay at masigla ang karera sa mga programang inilalatag ng pamunuan ng Philippine Racing Commission (Philracom)

Naibalik ng kasalukuyang pamunuan ang tiwala at kumpiyansa ng mga karerista kaugnay sa mga isinasagawang paglilinis ng komisyon sa mga itinuturing na sagabal sa pagusad ng industriya ng karera.

Pahirapan na rin ang manalo ngayon sa karera dahil nawala na ang sinasabing "one sided" na laban na pumapabor lamang sa isang llamadong kalahok.

Isa si Peter ASlcantara ng Caloocan City ang nagpahayag na sadyang napaksaya ng karera ngayon dahil nakikita ang halos sabay-sabay na pagdating ng mga kalahok sa finish line.

Tama ang tinuran ni Alcantara dahil ito ay resulta lamang sa ginawang paglilinis sa handicapping at pagbibigay ng babala ng komisyon sa mg Board of Steward na tutulog-tulog sa oras ng karera.

Maging ang mga hinete ay nagkaroon ng takot sa pamunuan ng Philracom dahil alam nila na hindi sila makakapagtago sa bawat krimen na kanilang gagawin sa "Bayang Karerista" sa pamamagitan ng paglaglag ng laban.

Ika nga ay suwak sa panlasa ng publikong karerista ang tambalang Chairman Angel Casta164o Jr. at Commissioner Engineer Jess Cantos, racing racing executive director, sa naging programa nila sa tulong at suporta na rin ng iba pang Commissioner's na sina Lyndon Guce, Victor Tantoco at Eyo Fernando.

Kabilang sa mga nbagbigay ng positibong reaksiyon ang isa sa pinagpipitagang horse owner sa industriya na si Philtobo President Nonoy NIles.

Hindi rin maikukubli ang malaking pagbabago sa benta ng karera kahit pa ito'y binawasan sa araw ng Huwebes.

Sabi nga ng isang karerista na sobra ang pananabik na matutunnghayan sa bawat karera dahil walang nakasisiguro sa laban.

Bukas matutunghayan ang Amethyst 2 sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Paglalabanan ng 3-Year-Old FIllies ang naturang karera kung saan at tatawid ang mga kalahok sa distansiyang 1,600 meters na may premyong P.5 milyon.

Tatanggap naman ng P300,000 premyo ang mananalo, kabilang na ang tropeo, habang P112,000 naman sa 2nd placer, P62,500 sa 3rd habang P25,000 naman sa 4th.

Magsisilbing panauhing pandangal si Chairman Castaño Jr. sa programa ng Concern Parent na magbibigay ng isang araw na pagkalinga sa mga ulilang Lolo at Lola sa mossionaries Charity sa Tayuman St., Tondo, Manila.