By A Web Design Company

Boss Gee, Lucky Touch at Good Humour, nagpasaya sa karerista.

  • PDF

Source: Balita, Feb. 19, 2012

Maganda ang naging resulta ng karera sa bakuran ng Manila Jockey Club, Inc. (MJCI) na naghatid ng nkakainganyong dibidendo sa winner take all event sa San Lazarro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Biyernes.

Ang dibidendo ay lubos na nakapagpaligaya sa mga karerista sa pagkapanalo ng dehadong Lucky Touch sa race 4.

Unang nagbigay ng buwenamanong panalo ang Bruno's Cut sa Race 1 na sinundan naman ng llamadong Papa Ethan.

Nakadagdag sa magandang dibidendo ng bahagyang dehado na Buko Juice sa Race 3 at nasundan ng Lucky Touch.

Hindi naman napigilan ang llamadong Big Daddy's Dream sa race 5 makaraang biguin ang immaculate at Market Value.

Nagwagi din ang llamadong Amphorae sa race 6 at nagdulot naman sa dibidendo na P22,392 sa WTA ang pagkakapanalo ng llamadong Boss Gee ngunit nadehado naman sa bentahan ng WTA.

Sa  race 8, nakalamang naman ang Spread my Wings na ginanap na Special Class division race na pinaglabanan ng mga imported na mananakbo.

Tumataginting na P52,129.40 ang nakubra ng ikalawang bahagi sa WTA sa pagkakapanalo ng dehadong God Humour sa race 9.

Ang mahusay at pantay na handicapping ay nagresulta ng maayos na dibidendo na siyang gustong-gusto ng "Bayang Karerista"