By A Web Design Company

Kumpiyansa, nakukuha

  • PDF

Source: Bulgar, Feb. 18, 2012

Sa pagkakaroon ng apprentice barrier race ay nakakuha ng kumpiyansa ang mga batang nagtatangkang maging ganap na hinete. At noong Martes nang hapon ay may dalawang karerang naihanda para sa kanila.

Sa unang grupo ay nagwagi si R.C. Tabor na unang naiulat na nanalo ang siya ulit kumuha ng tagumpay. Naipanalo si Denise Song mula sa sinalihang grupo. Malayong naipanalo niya ito kaya naeensayo rin niya kung paano ang maggiyang mabuti sa renda ng kabayo.

Pangalwa si J.B. Guerra na gumabay kay Life is Beautiful at ito ay tumapos ng mas mabagal sa dalawang mahalagang segundo para sa 1,000 metro distansiyang karera. Tersero sa kanila si A.B. Serios sa sumakay kay Henry Sugar.

Itong si A.G. Avila, na nakatikim na rin ng pagkahulog, ang kumuha ng quartet mula sa ibabaw ni Magisterium. At kasunod sa likod si J.D. Flores kay Jupiter Thunder, R.A. Alicante kay I Will Survive, C.M. Pilapil kay Aba Teka at R.O. Niu Jr.., sa ibabaw ni Barkadahan.

Sa kabilang grupo ay si C.M. Pilapil ang nagpasikat mula sa pagpapanalo kay Top Meat. Dikit na pumangalwa sa kanya si A.G. Avila na pumatong kay Olympus Queen at pareho lang siyang naorasan ng 1:03 sa 1,000 meter distance.

Tersero si R.O. Niu, Jr. na gumabay kay Red Soldier at kasunod sa ikaapat na puwesto itong si R.C. Tabor na nagparemate kay Toe The Mark.

Kumumpleto ng Line-up para sa walong kabayo sina J.B. Guerra na siyang naglatigo kay Queen of Class, bago kasunod sa likod niya si R.V. Leona sa ibabaw ni Telenovela at tumapos din sina J.D. Flores sa itaas ni Silver RIdge at R.M. Ubaldo na sumakay kay ROckafeller.

May 15 baguhang kabayo naman ang papasok sa kalaunan para sa aktuwal na karera. Sa isang grupo ay nanguna si Caraga Weather at kasunod niya sina Karapatan, Graceful Nonour, John's Memory, Karrie, Crazy for You, Golden Bee at El Roy.

Sa iba pang grupo ay si Spinning Jenny ni K.B. Abobo ang nanalo. Kasunod sina Shoemaker, Spectacular RIdge, Red Indy, Kuya Yani, Key to Happiness at Simple Lang Tayo.

Last Updated on Tuesday, 21 February 2012 10:36