By A Web Design Company

Umaatikabong Hatawan sa Freedom Cup

  • PDF

Source: Balita Feb. 15, 2012

Lubhang inaabangan ng mga karerista ang umaatikabong labanan sa pagitan ng mga lokal na mananakbo sa paghataw ng Freedom Cup sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Se Pebrero 25 masasaksihan ng racing fans ang pakarera ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang 2012 Freedom Cup.

Maghaharap sa nasabing karera ang Cheese Mosa, Arvin Dugo, Go Army, Wind Turbulence, Money Queen, Heaven Sent, Joshua's Laughter, Barkley at Yes Pogi.

Ang Freedom Cup ay bahagi sa anibersaryo ng makasaysayang EDSA 1 na nagpatalsik sa kapangyarihan ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos at nagluklok kay dating Pangulong Cory Aquino.

Magiging mahigpit ang laban ng siyam na kalahok na tiyak na uukit sa kasaysayan ng injdustriya ng karera sa bansa.

Ilan sa mga pinaboran at inaasahang mahigpit na maglalaban ang Yes Pogi, Heaven, Heaven Sent, Barkley at ang couple entry na Cheese Mosa at Arvin Dugo.

Bago ang freedom cup ng PCSO, Matutunghayan muna ang pakarera ng Philippine Racing Commission (Philracom) na Amethyst 2 at 3 sa darating na Sabado at Linggo sa San Laxzaro Leisure Park sa Carmona Cavite.

Sa Pebrero 18 hahataw ang Amethyst III sa paglalaban ng 3-year Old Fillies.

Susundan naman ito ng Amethyst III sa Pebrero 19 na paglalabanan naman ng 3-Year old Colts.

May nakalaang premyo na P.5 milyon sa nasabing event kung saan ang tatanghaling kampeon ay pagkakalooban ng P.3 milyon.

Magkahiwalay na tatawirin ng Fillies and Colts divisions ang distansiyang 1,600 meters na ang papangalawa ay mag-uuwi ng P112,000, P62,500 sa 3rd placer habang P25,000 sa 4th.

Mag-uuwi rin ng P15,000 ang Horse Breeder sa mananalong kalahok.