By A Web Design Company

Test kay R.C. Tabor

  • PDF

Source: Bulgar

Nagpakita ng husay si apprentice Jockey RC Tabor sa pagsakay na isang test para sa kanilang mga bagitong hinete noong nagdaang Martes. Naipanalo niya ang hugando si Gold Mine kontra sa pitong iba pa na nagsisali sa karera.

Sa arangkadahan pa lang ay naging listo na si Tabor sa paghatid sa kabayo para makapuwesto ng maayos, At mula sa pagdala ng banderitas, ay hindi na ito nakuha pang abutan ng sinuman sa kanyang mga kalaban, At malayo pa itong nakatawid ng meta.

Tinapos nina Tabor at Gold Mine ang 1,000 metro distansiyang karera sa tiyempong isang minuto at isa't kalahating segundo. Pumangalawa si A.M. Basilio na siyang gumabay kay Big Bang. At dahil may kalayuan ang sumegundo ay naorasan ito ng isang minuto at tatlong segundo.

Tersero si J.F. Paroginog na siyang  pumatong kay Imported runner Kingman Joe na may kalahating segundong kakulangan sa likod ni Big Bang. Si Rom Bolivar ang pumang-apat sa pagsubok sa ibabaw ni Slum Shots at 1:05 na tinapos ang karera.

Si R.A. Tablizo na sumakay kay Santiago ang dumating sa ika-5 puwesto. At sa likuran si L.V. Cannaoay na namatnubay kay Power Booster. Kasunod si C.M. Pilapil kay Prince of Natu at kulelat si R.V. Poblacion kay Rose and Mariz.

Sa mga baguhang kabayo ay  nangibabaw ang husay ni Yes Ma'am na nirendahan ni J.A. Guce. Dumating ng malapit si Market Garden na sinakyan ni J.B. Guce bago pumasok sa ikatlong puwesto si Mcllroy na si R.C. Landayan ang gumabay.

Si Cool Summer na pinatungan ni C.H. Moreno ang siyang kumuha ng quartet at si Lion Fort naman na nilatigo ni R.K.  Hipolito ang kumana ng pentafecta. Si Mr. Jason ni Den Camanero ang sumungkit ng super six at kumumpleto ng line-up si Concert King ni J.B. Cordova.

Rito sa unang grupo ng barrier ay si New Empire ni A.M. Tancioco ang nagwagi. Forecast at Furiosly Eager na dinala ni A.N. Mamaril at pumasok sa trifecta si Vodachem na sinakyan ni J.B. Guce. Kasunod niya sina Singing Victory, Typhoon Doding, My Treasure, Do Re MI at batang Paco.

Namayagpag si Gabo ni J.T. Zarate sa isa pang barrier race. 10 horselength ang naitalang agwat para sa pumangalawang si Eternity bago si Yes Miss na ikatlo. Pasok sa quartet si Eskapo, sa pentafecta si Discovery Peak at super six si Monte Napoleone.