By A Web Design Company

Masyado pang maaga

  • PDF

Source: Tonite

Magandang laban ang makikita ng mga karerista sa 2012 Philracom Amethyst 1 Stakes, ang ikalawang yugto ng Imported-Local Challenge Series, ngayong Linggo sa Santa Ana Park.

Anim na mabibigat na imported runners ang haharap sa nag-iisang local na si Yes Pogi sa pakarerang ito ng Philippine Racing Commission na paglalabanan sa distansyang 1,700 meters.

Ang mga kalahok sa P500,000 race na ito'y sina: Dona Nenita - Val Dilema 53; Gentle Irony - Jesse Guce 58; Indy Hay - Kelvin Abobo 54; Merry - Jordan Cordova 54; Next Big Thing - Pat Dilema 56; Rain Shower - Mark Alvarez 55 at Yes Pogi - Jeffril Zarate 55.

***

May nakarating sa ating balita na bumaba ng halos P15 million ang isang linggong benta sa isang karerahan dahil sa pansamantalang pag-aalis ng Thursday night racing, ayon sa isang experimental guideline na ipinatutupad ng mga kinauukulan.

Pero, tumaas naman daw ng bahagya ang income ng mga nananalong horseowners dahil sa pagkonti ng mga karerang binibitiwan sa loob ng isang linggo.

Masyado pang maaga, ang sabi sa amin, para magkaroon na ng conclusion kung nagkaron nga ba ng matinding epekto ang pagbabago.