By A Web Design Company

CAT'S A WAY

  • PDF

Source: Bulgar

Sa biglang pagbulaga ng panalo ni Cat's Away ay naglaglagan ang mga parating sa ating exotic bettings lalo na sa winner-take-all na may pinakamalaking pabuya noong Miyerkules ng gabi. Sa unang set ng pick five ay lumobo rin ang dibidendo na nagpasaya sa mga nagsitama rito.

Sa winner-take-all ay umabot sa P69,774 ang naging premyo para sa mga nagsitama. Sa unang pick five ay inabot sa P26,397 ang pabuya, At sa ikalawang set ng pick five ay P7,116 dahil sa panalo ng iba pang mga liyamadong entry. Sa pick four ay P1,170 ay paycheck.

Sa karera ay nakalusot si Witness In Manila na dinala ni R.V. Brady. Tinalo ang dehadong si One Bahamas at ang higit na pinapaborang si Mr. Xavier na tersero ang inabot. Pang-apat dito si  Black Label bago si May Bukas Pa.

Itong Extra Ordinary na pinatungan ni A.M. Tancioco ang nagbida para sa isang three-year-old condition. Sumegundo si Conqueror's Magic ni C.B. Tamano bago sa trifecta si The Reason Why. Pang-quartet si Jacklyn's Diamond bago si Camelabang sa pentafecta.

Sa mga paborito ay isa sa hugandong nagwagi si Halo Dancer na dinala ni J.B. Guce Forecast niya si Poker Chip.

Sa isang class division-1 ay si Final Impact ni J.B. Cordero ang nanaig. Dumating sa ikalawang puwesto si Doña Leonora at tersero si Small Town Lady.

At sa pagpihit ng line-up sa likod ay biglang natalo ang outstanding favorite na si Classical Bid na nirendahan ni R.G. Fernandez. Dumating siya sa ikalawang puwesto sa likod ni Cat's A Way na magandang naihatid sa meta ni R.H. Silva. Pangatlo si Amanda ni R.K. Hipolito.

SA pinaka-lowest group na class division-1C ay si Quick Storm ang siyang nagpasikat. Segundo sa kanya ang dehadong si Matikas bago sa trifecta si Unopposed sa quartet pinakinabangan si Boss Doding bago sa pentafecta si Nice And Easy.

Ang isa pang hugando na nagwaging liyamado ay itong si Blumetritt dito sa ating penultimate card. Dumating din sa ikalwang puwesto ang second favorite na si  Blushing Dream bago si Honour Rush ni J.T. Zarate. Pasok sa quartet si Ice Palace at pentafecta naman si Damansuria.

At sa ating huling karera ay hindi nakawala sa dalawang paboritong entries. Pero sa kalaunan ay nanaig ang bahagyang paboritong si Henna's Gold ni Dan Camanero kay Final Judgement ni J.B. Cordova. Kumumpleto sa ating super six sina Di Ko Akalain, Lyonnface. Wondrous Wind at So It's You.