By A Web Design Company

Preparasyon ng 3-year-olds

  • PDF

Source: Tonite

Mas maraming babaeng 3-year-olds ang ninomina kaysa mga lalaking nagpeprepara para sa darating na Triple Crown Series ngayong taon.

Siyam ang nominated entries sa 2012 Philracom Amythyst II Stakes na paglalabanan sa Pebrero 18, lima naman ang naka-lineup sa 2012 Philracom Amythyst III Stakes sa Pebrero 19 na parehong paglalabanan sa San Lazaro Leisure & Business Park.

Kapwa may papremyong tig-P500,000 ang dalawang karerang ito na iniisponsoran ng Philippine Racing Commmission para sa mga 3-year-olds na nagpeprepara sa malaking serye ng taon.

ang siyam na mga nakanomina sa Amethyst II Stakes: Amazing Migs, Alpha Alleanza, Cheese Bianca, Dacing Rags, Elegant April, Mika Mika Mika, Neversaygoogby, Posse Left, at Time to Shine Dad.

Magka-stablemate si Dancing Rags, at Elegant April, iisa rin ang stable nina Neversaygoodbye at Time to Shine.

Ilan sa mga nagdomina sa kanilang mga colleagues bialng 2-year-olds ay si na Alpha Alleanza, Cheese Blance, At Mika Mika Mika.

Lima namang nominated sa Amythyst III Stakes ay sina Coterminous, Ikel, King Ramfire, Steel Creation at Tribal King.

Dahil sa magandang performance bilang juvenile, si Steel Creation ang bahagyang pinapaboran sa karerang ito na paglalabanan sa distansyang 1,600 meters.

Ang mananalo sa dalawang malalaking prep races ay pagkakalooban ng tig-P300,000 habang P112,500 sa sesegundo, P62,500 sa tersero at P25,000 sa quarto.

Ang mga prep races na ito ay mahalaga sa pagpeprepara ng mga sasali sa mayamang Triple Crown Series ngayong taong ito.

Marami na kasi sa mga dating 2-year-olds ay nagbabatak ng husto at "nagpapahinog" pa ng husto para sa matitinding laban sa tatlong malalaking legs ng Triple Crown Series.

Yung iba naman ay nangangailangan ng maraming premyong makukuha para maging kumpiyansa ang pagpasok sa Magic 14 ng bawat leg ng serye.

Sa dalawang karerang ito, mapapansin na wala pa ang mga magagaling na 3-year-olds ngayon tulad nina Humble Riches at Hagdang Bato.