By A Web Design Company

Walang itatakdang karera tuwing Huwebes

  • PDF

Source: Balita

Pinagtatalunana ngayon ang pagbasurang ginawa ng Philippine Racing Commission ng karera sa araw ng Huwebes na isa lamang eksperimento ng ahensiya.

Para sa pananaw ng inyong lingkod, sadyang makatarungan ang pagbawas sa araw ng karera na gaya sa ipinalabas na resolution No. 36-11 ng Philracom upang mapataas ang benta sa takilya.

ito'y isang malinaw na hakbang ng kominsyon na maibalik ang magandang dignidad ng karera sa bansa at hindi bilang sugal.

Marami ang nagulat sa pagpapatigil ng karera tuwing Huwebes na dapat ay ginawa ito noon pa na lubhang nagpalubog sa maraming karerista.

HIndi lang ang pagtaas ng benta sa takilya kundi ang proteksiyon ng pamilya ang dapat na isaalang-alang na siyang panugunahing tungkulin ng gobyerno.

Malilimitahan ang bisyo ng mga karerista sa kanilang pagtaya sa karera at maibibigay ang panahon, oras at magagamit pa sa pamilya ang salaping gugugulin na dapat sana ay panaya sa araw ng Huwebes.

Dati rati, ang karera ay tatlong beses lamang isang linggo ginagawa noong panahon nina dating Pangulong Marcos at Pangulong Cory Aquino subalit sa paglipas ng panahon ay ginawa itong anim na araw at plinano pa ngang gawing isang linggo.

Iyon ay nangyari dahil na rin sa pakiusap ng ilang horse owner subalit hindi naman nakatulong dahil kinakapos ang suplay ng mga mananakbong sumasali sa karera.

Dapat tanggalin din ang araw ng Biyernes at ibalik sa umaga ang simula ng karera upang maagang matapos ang laban at magkaroon ng oras na makasalo ng mga karerista sa hapunan ang kanilang pamilya.

 

Last Updated on Thursday, 02 February 2012 10:35