By A Web Design Company

Sevilla Jr., mahusay na breeder

  • PDF

Source: Balita

Kung may mga horse owner na breeder na nakapagpalabas ng kampeon, masasabi natin na isa si dating Philracom Commissioner Felizardo Sevilla Jr. sa mga sinuwerte noong 2011 matapos na ang kanyang alagang Tensile Strenght ay naghari sa huling yugto ng Triple Crown.

Bagamat hindi naging maganda ang huling takbo ng Tensile Strenght, dahil sa pagkakaroon ng deperensiya sa pa, inaasahan na muli itong makababalik sa porma sa oras na matapos ang bakasyon nito.

Ihahanda ng Sevilla Stable ang Tensile Strenght sa higit na malalaking pakarera ngayong "Year of the Water Dragon," kasama ang isang pang mahusay na alaga nito na Prime Rate.

Bukod dito ay patuloy pa rin ang pagpapalabas ng kampeon at inaasahan sa mga susunod na mga taon ay may iba pang kampeon ang isisilang sa ilalim ng Sevilla Stable.

Ang tagumpay ni engr. Sevilla ay pinatunayan matapos makapuwesto bilang No.3 mula sa may 10 mahuhusay na mananakbo noong 2011.

Kabilang sa mga pinupuntirya ng Tensile Strenght ang Presidential Gold Cup at dahil nasa wastong gulang na ang naturang kabayo ay inaasahan na higit na magiging matapang ito ngayon sa laban.

Sa susunod na buwan matutunghayan na ng publiko ang Amethyst Stakes race ka kapapalooban ng 2nd Leg Imported-Local Challenge race at 3-year-old Fillies at Colts championships.

May nakalaang premyong P.5 milyon sa bawat karerang na tiyak na magbibigay ng sigla sa "Bayang Karerista". Kaya kita-kita na lang tayo pagsapit ng laban.

Last Updated on Wednesday, 25 January 2012 09:16