By A Web Design Company

11 well-handicapped races

  • PDF

Taliba - January 22, 2012

Sa unang malas sa programa ng karerang binubuo ng 11 mga karera ay tila dodominahin ng mga liyamadong kabayo ang resulta ng maghapong pakarera. Subalit kung pag-aaralan mabuti ay balensiyado ang marami sa grupo na nakalinyang bibitawang mga karera. Dalawang karera lamang ang maaring lumusot ang inaasahang mananalo - ang Pink Lady sa unang karera at ang Dark Hero sa ika-10 karera. Ang nalalabing 9 na karera ay maaring gumawa ng upset ang ilang nakakaligtaang kabayo. Ating simulan sa ika-2 karera na kunsaan ay tila 2 kabayo lamang ang magsasagupa ang Winning Habit at My Sweet Leonora. Pakiramdaman ang Dagatdagatan Kid na nagsisimula ng pagpakita ng magandang pagkilos sa nakalipas ng sa ilang pagsali sa karera. Sa ika-3 karera ay masasabing magiging paborito sa larangan ng pustahan ang Good Humour. Subalit ilang kabayo ang naghihintay lamang ng magandang salida upang madaig ang Good Humour, ang mga ito ay - Cat's a Way, Salinas Eye, Promise at Hok Kee Hok.

Sa ik-4 ay halos handa ng manalo ang BMI Baby na nagpakita ng hangaring manalo sa nakaraang laban na dumating ng segundo matapos ng ilang buwang pahinga. Maari naming pukulan ng pansin ang - Something New at Golden Hue. Limang kabayo naman ang maaring pagpilian sa ika-5 karera - ang The Real Thing, Runaway Champ, Greet Street, New Golden City at Waldy's Fury. Sa ika-6 na karera ay ang Faultless at Material Ruler ang nakikitang maglalaban at sinuman sa nalalabing 6 na kalahok ay maaring makapang-agaw eksena. Ang ika-7 karera ay muling magsusumikap ang Lord of the Sun na manalo subali't tiyak na hahadlangan ng magka-coupled entry na Color My World at Paminsan-minsan, Lucky Lohrke, Dinara at deremareteng Royal Fair ang balak nito.

Magandang subaybayan ng ika-8 karera na kunsaan ay ang Gifted Champ at Slim Princess ang nasisilip na maglalaban. Bantayan din ang kikilusin ng nalalabing kalahok sa larangan ng pustahan.  Halos ang Power Negotiator at Dugo's Sprite ang dodomina sa ika-9 na karera. At sa ika-11 at huling karera ay ang Ma'am Mika ang malaki ang pag-asang kunin ang primero puwesto na ang Chief Of Staff, Sir Ferdinand at Evox ang maaring sumubok sa katatagan ng Ma'am Mika.

Dalawang pakarera ang inihahanda ng Philracom sa darating na Pebrero 2012, ang Amethyst I at Amethyst II na nakatakdang bitawan sa Pebrero 12 (Linggo) at Pebrero 18 (Linggo) sa parehong karerahan sa Carmona, Cavite. Sana maging maigant at maapaghandaan nilang mabuti ang naturang mga pakarera upang hindi matulad sa mga pakarerang nuong nakaraang Enero na halos nasayang lamang ang mga papremyong ng isang karera ay naipagkaloob sa isang may-ari lamang at samantalang ang isa nama'y dahil sa 3 lamang ang naging kalahok ay hindi nasali sa programa ng karerang may pustahan at nagsimulang isa lamang ensayo na may papremyo ang lahat ng kalahok. Ating subaybayan bayang karerista ang naturang pakarera kung magiging mas kapanapanabik kaysa nakaraang pakarera.

Last Updated on Tuesday, 24 January 2012 16:26