By A Web Design Company

Magna Carta ang winningest horse

  • PDF

Source: Tonite

Pormal nang idineklarang winningest horse ng 2011 si Magna Carta, ang pinakasikat na kabayo noong nakaraang taon sa maraming karerista.

Nakakuha ng pinakamaraming papremyong umabot sa P8,056,191 ang kabayo ni Michael Dragon Javier matapos itong makapag-submit ng 11 panalo at 5 segundo noong nakaraang taon.

Si Magna Carta rin ang nananlo sa blue-ribbon event ng local racing industry na Presidential Gold Cup at nabingwit din nito ang ikalawang leg ng 2011 Triple Crown Series.

Halos kalahati ang nakuha namang premyo ng pumangalawang si Humble Riches, ang pamosong 2-year-old noong nakaraang taon na pag-aari naman ni Kenneth Causon.

Naglista si Humble Riches ng pitong sunod na panalo at nag-iisang segundo, sa 2011 Philracom Juvenile Championship. Ito ay may Kabuuang premyong nasungkit ng P4,902,418.

Dalawa lamang 2-year-olds ang nakapasok sa Top 10 ng ipinalabas na listahan ng Philracom para sa winningest horses ng nakaraang taon.

Si Tensile Strength naman ang nasa ikatlong puwesto na may kabuuang P4,365,879.

Ang kabayong ito ni Com. Jun Sevilla ay may 10 panalo, 3 segundo, 3 tersero at 2 quarto.

Marami ang nanghinayang nang hindi na nakasali pa sa Gold Cup si Tensile Strength matapos itong ibakasyon dahil sa umano'y kaunting diperensya sa paa.

Pero sinabi ni Com. Sevilla na pansamantala lang itong ipapahinga upang lalong mapaghandaan ang kanyang career bilang 4-year-old.

Dalawang kabayo ni Com. Jun Sevilla ang pumasok sa Top 10, ang isa nga'y si Prime Rate na nasa No. 9 na may P2,710,491 mula sa 6 na panalo, 7 segundo, at 3 tersero.

Ang beteranong kabayo namang si Yes Pogi ang nasa Ikaapat na puwesto sa overall matapos itong makapagbangko ng P4,008,298. Siya'y merong 6 na panalo, 3 segundo 1 tersero at 1 quarto.

Hindi niya naipagtanggol ang kanyang korona sa Gold Cup nang pumangatlo lang ito. Subalit maganda ang pasok ng taon kay Yes Pogi nang magpanalo ito sa iba't ibang mga stakes races tuland ng Philracom Commissioner's Cup at sa nagbabalik na Freedom Cup.

Ang iba pang nasa Top 10 ay kinabilangan nina" 5. Juggling Act - P3.51-million; 6. Cheese Mosa - P3.38-million; 7. Constatic - P3.06-million; 8. Hari Ng Yambo - P2,84-million; 9. Prime Rate - P2.71-million; at Barkley - P2.38-million.

Last Updated on Tuesday, 17 January 2012 09:41