By A Web Design Company

Garnet Stakes

  • PDF

Itatanghal na bukas, Linggo, ang unang stakes event ng taon dubbed as the 2012 Philracom "Garnet 1" Stakes Race- 1st Leg Imported/Local Challenge Race - dito sa pista ng MJCI's San Lazaro Leisure Park in Carmona, Cavite.

Itatakbo sa pinakapopular na distansiyang 1,600 meter or 1 mile ang mga declared entries dito ay ang magkasanggang Juggling Act at Gentle Irony, Indy Hay, Forever My Love at Take Me Tonight.

Matatandaan na tinalo ng Juggling Act ang Gentle Irony sa Oct. 2 2,000-meter Challenge Race at SILIP at naulit ito nang talunin muli ng rematistang Juggling Act and de-bokang Gentle Irony sa Nove. 20 Amb. E.M./Cojuangco, Jr. Cup sa Santa Ana sa ganito ring distansiya.

Last Dec. 3 nagpangitang muli ang couple entry ni Mr. N.O. Morales sa mas maigsing 1,800-meter Philtobo-Bwana Bull Imported Trophy Race sa Santa Ana at tinalo naman ng Gentle Irony ang Juggling Act. Dahil higit na maigsi ang rutang tatakbuhin dito sa Garnet Stakes manaig kaya ang Gentle Irony? Oh well, no problem naman ito sa bayang karerista dahil iisang numero naman ang tataglayin ng dalawang ito!

Wala pa ang kopya ng opisyal na entries kaya di pa naming maisulat ang opisyal na jockeys na mamatnubay sa mga entries dito. Anyways ang top guaranteed prized dito ay P300,000 para sa 1st placer, P112,500 sa 2nd placer, at P62,500 sa 3rd at P25,000 sa 4th placer plus Breeder's purse of P15,000 to the breeder of the winning horse.

Samantala, ang tanging Winner-Take-All event kahapon (Thursday) ay nagbigay ng dibidendong P3,399.40 each para sa holders ng 818.5 winning tickets. Ang Pick-6 dito ay may gantimpalang P11,84.00 at ang Pick-5 naman ay P727.20 para sa 1,276.5 winning tickets.

Nagsipanalo rito from Races 1 to 8 respectively, ay ang Random Thoughts. Lady Pegasus, Boss Gee, Savour D'Champagne, Secret Ridge, My Promise, Jade Jewel at Delgaro.

Ang Super Six sa last Race ay nagbunga naman ng mas malaking premyong P84,519.80 kung saan nagtambalan ang Delgaro, Blue Shiekh, longshot Belafat, Dagatdagatan Kid, Executive Order at Cool Reception.

Ang WTA event naman last Wednesday (Jan. 4) ay nagbigay nang malaking gantimpalang P215,752.80 para sa 13 winners kung saan nagtambalan ang Sweet Alyssa, matinding dehadong Orthodox, Sharp Eye, Paminsanminsan, Pencil Away, Love You By Heart at China Star.

Last Updated on Thursday, 12 January 2012 14:13