By A Web Design Company

Asahan na ang Malaking Pagbabago

  • PDF

slide-10Sa pagpasok ng 2012, asahan na ang malaking pagbabagong magaganap sa labas at loob ng karerahan sa mg programang ilalatag ng Philippine Racing Commission (Philracom)

Sa ilalim ng pamumuno ni Philracom Chairman Angelo L. Casataño, ibabahai nito ng mga bagong programa sa karera na ang makikinabang ay ang "Bayang Karerista" at mga namumuhunang horse owners sa Industriya ng karera.

Tahasang ipinagmalaki ni Castaño ang mga bagong reglamentong ipinasa ng kanyang mahuhusay na Board members na magiging daan sa isang matuwid na pamamahala sa industriya.

Sa pamamagitan umano ng tamang pagpapatupad ng batas sa komisyon, naniniwala si Castaño na walang pwedeng magdikta sa komisyon para lamang sa kanilang interes.

Kasalakuyan na umanong nagsasagawa ng paglilinis ang komisyon sa hanay ng Board of Steward at handicapping upang dito magsimula ang pagkakaroon ng malinis na karera.

Sa pamamagitan ng tamang handicpping ay magkakaroon ng patas na laban ang mga kalahok.

Walang sinumang horse owners na magiging panahog sa laban ang kanilang mga kabayo.

Upang mabantayan naman ang galaw ng mga hinete, kinailangan na maging matino ang mga Board of Steward sa pamamagitan ng Pagbabantay ng Philracom sa mga miyembro nito.

Bukod dito, maglalaan ang komisyon ng malaking premyo sa mga mahuhusay na pangarerang kabayo upang ganahan naman ang mga hineteng mahuhuling masasangkot sa katiwalian, partikular na sa game fixing sa gitna n laban.

Lubhang kaabang-abang ang magaganap ngayong 2012 dahil sa pagkakaroon ng isang matinong chairman n nagmula sa pagiging padock steward hanggang sa maging Board of Steward na sadyang malalim ang kaalaman sa karera.

Last Updated on Wednesday, 11 January 2012 09:37